I suppose that the Philippine Health under President Duterte's administration would have the time to answer the following question: Cover ba ng PhilHealth ang Dugong isasalin sa ina na bagong nanganak as one of PhilHealth benefits?
PhilHealth Partner in Health |
Isa sa aking kapitbahay na buntis ay isinugod sa Trece Martirez City General Hospital province of Cavite last December 29, 2016. Sa awa ng Maykapal, siya ay nanganak na normal, pati ang baby ay normal. Subali't ayon sa doktor kailangan salinan ng dugo ang ina - 4 bags of blood ang kakailanganin. Pero kakailanganin ang tao o mga tao para mag donate ng dugo na katumbas sa apat na bag na galing sa blood bank section ng nasabing hospital.
At 12:30 PM December 31, 2016, ang ama ng nanganak at ako ay sumugod sa Trece Martirez City General Hospital willing to donate our blood plus yong ama ng baby na nandoon na sa hospital nagbabantay sa asawa niyang bagong nanganak kasama ang biyenan niyang babae.
At 1:30 PM dumating kami sa nasabing hospital at agad naming hinanap ang kinaroroonan ng pasyente at hanapin narin ang mga hospital staff na nakakaalam patungkol sa blood donation - ang nangyari po closed po ang department nila dahil po holiday, ang resume ng work ng taga blood donor section ay sa January 5, 2016.
Ang nangyari balik kami sa admin section at doon I suggest na puntahan ang blood bank section at makiusap na salinan na ng dugo ang bagong nanganak. Sa loob ng opisinang yon aming napag-alaman na may dugo naman pala na available - pero bakit pinatagal pa nila na puwede naman pala salinan ng dugo ang bagong nanganak?
Bakit ginamit ng hospital ang gayon sitwasyon para mangalap ang pasyente ng blood donor? Samantala ang dugong isasalin sa kaniya ay may bayad pa rin na nagkakahalaga ng ph1,800 per bag x 4 = ph7,200 for 4 bags of blood.
Yes. I am very willing to donate my blood dahil nadarama ko na it was an emergency call - pero nanlumo ako upon knowing that the hospital has used the situation just to look for blood donors - tapos sisingilin ng hospital ng ph1,800 per bag of blood ang pasyente. Ang Trece Martirez City General Hospital ay government hospital - pero sa nalaman ko I can say there is "corruption".
Ang inang nanganak ay isang active PhilHealth member - under the Duterte's administration Cover ba ng PhilHealth ang Dugong isasalin sa kaniya? Anu-ano ang mga benipisyong matatanggap ng isang member ng PhilHealth na mother who has just delivered her child on a government hospital?
Kung may time po kayo a 15 seconds na dasal para sa mag-inang nasa hospital pa at doon na maaabutan ng bagong taon. Salamat po.
About The Author
Paul is a Web content creator, online marketer, products and services promoter, online writer and a Filipino blogger. He has no specific areas where his writing will focus on. He writes any subject that interests him under the merciless sun. He loves Internetting and Face-booking. His favorite saying: "Dream big and don't stop without giving it a chance to come true."