Matagal narin tayong naging saksi sa kaniyang drama series. At ang nakakatuwa pa, ginamit niya ang Senado para mailabas sa madla ang kaniyang talambuhay - patungkol sa kaniyang sexual fantasies. Na kung sa isang ordinaryong tao ito ay nangyari baka hindi makayanan at maisipan na lamang niyang tapusing na ang kaniyang buhay. Pero iba si Senator De Lima - taas noo pa rin siyang tumitindig para harapin ang lahat na kasiraan ng kaniyang pangalan at pagkatao.
Pati ang simbahang Katoliko at ang mga kaparian at mga madre ay kaniya na rin nilapitan upang hingin ang kanilang simpatiya. Kasama din niyang ginanyak na bigyan siya ng suporta ng iba't ibang grupo ng mga kababaihan. Nagawa niya lahat ito para patunayan sa madla na siya ay malinis daw at walang dapat ikahiya. At hindi lingid sa ating kaalaman na si Leila De Lima ay suportado ng buong miyembro ng Liberal Party ng Pilipinas.
Sa Senado ang kaniyang mga kaalyado na sila Trillanes, Bam Aquino, Drillon, Pangilinan, Hontiveros at iba pang maka YellowTeam ay handa siyang ipagtanggol, kasama na rin ang kaniyang mga suporters na ayon sa kaniya ay nagkaisa para eboto siya noong nakaraan eleksyon. At dagdag pa ang kaniyang mga kaalyado sa media - na kilala nating lahat na mga biased media networks tulad ng ABS-CBN, GMA7, Rappler at iba pang mga nababayarang Journalists sa tuwing siya ay nagpapa presscon.
Sa kabila ng iba't ibang reactions ng mga tao laban kay De Lima, ang Senado ay deadma lang. Para silang bulag, bingi at pipi. Hindi sila naglaan ng panahon na imbistigahan nila si De Lima mismo sa Senado - sa kasong pagka-link ng kaniyang pangalan sa drug industry dito sa Pilipinas, sa kasong isa siyang drug-protector ng mga drug-lords ng bansa. Para bang ok lang sa Senado na mapahiya ang kanila ka-Senador. Para bang ok lang sa kanila na sirain ang credibility ng Senado ng isang senador.
Ano ang mayroon si Senator De Lima? Bakit nagbubulagbulagan lamang ang Senado? Bakit hindi nila imbistigahan si De Lima sa Senado? Sila ba ay may bayag? O may kinakatakutang tao?
No comments:
Post a Comment