name='viewport'/> President Duterte's Pen Warrior
loading...

Ikaw ang Pag-ibig - composed by Kuya Daniel Razon

Sarap dam'hin sa kalooban Ang bawa't leriko't melodiya Puso ko'y napaluha habang Sumasabay sa pag-awit...bro paul pruel

Tuesday, April 18, 2023

Awit ng Puso

 Awit ng Puso: Dugtungang Tula

"Ang isang hinabing tula
kung ito'y hindi mababasa
ng kahit isang musmos na bata
dahil ito'y nakatago't ikinandado sa baul,
kailanma'y hindi ito maituturing na tula."


===================
(1) Halos mapugto ang paghinga,
isang buhay - bunga ng dalawang
pusong nagsanib at nagmahalan...

(2) Nagmahalan mga pusong
iisa ang pintig, larawan ng matamis
at masayang ugnayan sa silong ng langit...

(3) Langit ma'y naki-ayon sa nakita,
nagaalab na mga damdamin
at hindi mapigil na ligaya...

(4) Ligaya sa bawa't ngiti sa t'wing
naglalapat kan'lang mga labi,
sinasambit ay pag-ibig...

(5) Pag-ibig sa Dios at sa kapwa - utos
na dapat sundin ng tao, wag sumuko kay Covid19
virus lang siya, pagpinitik ng Dios, sya'y mawawala...

(6) Mawawala kaman sa'king paningin, nguni't
mananatili ang alaala mo sa'king puso't isipan
habang ako'y nabubuhay...

(7) Nabubuhay ako sa alaala ng kahapon
bakas ng pighati't pagdurusa, nguni't sa kan'la
ako'y humuhugot ng lakas para lumaban...

(8) Lumaban ako para mabuhay, lumakad sa gitna
ng mga pagsubok, sandata ko'y lakas ng loob,
mga dasal at paniniwala na ako'y magtagumpay...

(9) Magtagumpay ang siya kong ibig,
marating ang dulo ng tuktok, ang koronang
naghihintay doon ay masungkit...

(10) Masungkit ang matagal ko nang minimithi:
sagana ng pagmamahal, pagsusunuran,
may takot sa Dios - isang masayang pamilya...

(11) Pamilya pinaka-ugat ng isang komunidad, salat man
sa maraming bagay, nguni't ang bawa't miyembro'y
masigasig sa pagbuo ng masayang tahanan...

(12) Tahanan kung saan kampante't komportable
ang bawa't isa - gawa man ito sa kawayan o semento,
buhay ang pagmamahalan ng bawa't miyembro...

(13) Miyembro ka ng isang samaha't sa balikat mo'y
naka-atang ang tungkulin, kapag ika'y naging pabaya,
tawag sa iyo'y walang silbi't inutil kang tao...

(14) Tao, masarap mabuhay, sa umaga langhap
ang halimuyak ng kabukiran, malayang
mamumuhay na masaya kahit salat sa pera...

(15) Pera dahilan bakit nawasak ang sinapupunan
ni Inang-Kalikasan, tulad sa nangyayari ngayon
sa Homonhon Island, Guiuan dahil sa pagmimina...

(16) Pagmimina uri ng pagkakakitaan, wawasakin bituka
ng Lupang kinagisnan at ganda nito ng mga taong
uhaw sa dugo nya at sa makukuhang kayamanan...

(17) Kayamanan ang kanilang dino-dios, nguni't
sa oras na magpantay ang kan'lang mga paa,
iiwanan din naman sa lupang pinagmulan...

(18) Pinagmulan ng tao'y mula sa alabok, hiningahan
ng Dakilang Dios para maging Kaluluwang-buhay,
nguni't paglipas ng panahon, ibang niluhura't sinamba...

(19) Sinamba ang sariling talino't kakayahan,
nakalimutan nya yun ay bigay ng Maykapal
at kanyang ginamit sa kasamaan...

(20) Kasamaan ng tao'y may dahilan: maaaring sya'y
ginipit, inabuso't inalipusta't pinahirapan,
ang poot at galit nya'y humantong sa paghihigante...

(21) Paghihigante ang nasa isip at puso ng tao, namumuhay
ang espiritu ng dilim sa kanya, kahit nasa harap
ang liwanag, hindi makita ng galit-na-puso...

(22) Galit-na-puso madaling madaya, malimit
napapaniwala ito sa kasinungalinga't nagiging sanhi
ng pagkabulag, ang mali sa kanya ay tama...

(23) Tama kung gagawa ng mabuti, kung tapat sa sarili't
iiwasang magkamali - pero yun ba ay tiyak
na mabuti sa paningin ng Manlilikha?

(24) Manlilikha, taglay ang ekstrang pares ng tainga, anumang
himig ay maririnig, may ekstrang ilong na makakalanghap
ng ibang baho, bango't lansa ng buhay...

(25) Buhay ng tao'y tulad ng dahong malago, sa sanga
ng punong-kahoy, kapag natuyo na - kusa itong
malalaglag at sa lupa'y mananahan...

(26) Mananahan ka dapat sa iyong tahanan, huwag balewalain
ang pakiusap ng Pangulo - ang kalaban natin 'di nakikita,
masayang nananakit at pumapatay si Covid19...

(27) Covid19, buong mundo nanginginig sa sobrang
takot sa iyo - marami nang naging abo, lumuha't
nabaon sa lupa, kailan ka matsutsugi't maglalaho?

(28) Maglalaho ang lahat ng bagay sa panahong itinakda,
patunay na walang forever - may pipigil ba kung
babatiin ko in advance ang lahat ng #HappyBirthday?

(29) Happy birthday sa lahat na nagdiriwang ng kan'lang
kaarawan sa araw na ito, pagpalain kayo ng Maylalang,
ngayon at sa susunod pang mga taon, love U...
===============
(30) Salamat po sa Dios.
Sa Dios po ang lahat ng Karangalan
at Kapurihan Magpakailan-kailanman.
===============
Ang tulang ito ay bukas po sa inyong komento?
Salamat po...

Monday, August 16, 2021

Faith, Hope and Love need Patience

Photo Bible Verses: Ang Dating Daan Biblia 1905
"Maituturing na patay ang pananampalataya
kung hindi sasamahan ng mabubuting gawa
kasabay ay ang walang humpay na pagtitiis
ayon sa ipinaguutos ng Kataas-taasang Dios."
"Upang makamit ang pangako ng Maylikha
ang buhay na walang hanggan, ika'y umasa
na may pagdurusa, 'wag umurong sa pagtalima
tiyak kalulugdan ka ng Kaniyang kaluluwa!"
"Isa-puso mo lagi ang Kaniyang Kadakilaan
ang pagmamahal Niya sa iyong kaligtasan
tuparin mo ang lahat na Kaniyang ninanais
'cause Faith, Hope & Love need patience!"

SONA2021 of President Rodrigo Duterte (Courtesy of Inquirer. Net))

Visit us at https://www.inquirer.net Facebook: https://facebook.com/inquirerdotnet Twitter: https://twitter.com/inquirerdotnet

Bro. Eli Soriano: Nothing can be done to a dead person

Sons of the three remarkable singers

Bro Eli Soriano - Pride of Philippines

Subscribe, Like and Share KDR TV

Maps

Friendly Notes

For any reuse or distribution, I must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: President Duterte's Pen Warrior