name='viewport'/> President Duterte's Pen Warrior: Ang Daming Bumagsak Nang Rumagasa Sa Kapuluan Ng Pilipinas Ang Super Bagyong Digong
loading...

Ikaw ang Pag-ibig - composed by Kuya Daniel Razon

Sarap dam'hin sa kalooban Ang bawa't leriko't melodiya Puso ko'y napaluha habang Sumasabay sa pag-awit...bro paul pruel

Tuesday, January 24, 2017

Ang Daming Bumagsak Nang Rumagasa Sa Kapuluan Ng Pilipinas Ang Super Bagyong Digong

Halos magbigti sa galit at awa sa sarili ang mga taong dumanas sa bagsik ng super bagyong Digong - ang kanilang mga ari-arian at kabuhayan ay nangasira. Ang iba sa kanila ay nawindang ang pag-iisip dahil sa sobrang panghihinayang sa naglahong kabuhayan na kanilang inaruga, inalagaan at minahal ng matagal na panahon. 


Salamat po sa iyong pagdating Pangulong Duterte. Para po kayong isang Super Bagyong dumating sa buhay ng mga Filipino. Marami na po ang nabago magmula po ng kayo ay naging Pangulo ng Pilipinas.

Nagbagsakan ang ekonomiya ng mga corrupt na politiko, drug lords, pushers, holdapper, carnapper, kidnap for ransom, ibang kabuhayan ng mga oligarchs, mga gambling lords, mga e-games at e-bingos, ang ekonomiya ng mga kawatan sa custom at ang ekonomiya ng mga nagtatanim bala sa NAIA.

Bumagsak na din po ang mga illegal minings, ang ekonomiya ng mga smugglers, at mga ekonomiya ng mga corrupt sa gobyerno. Pati pag-iisip ng ibang senador bumagsak na rin, tulad na lamang kay Senadora Pangilinan - na planong e summon ang mga executives ng Facebook para maimbistigahan sa Senado dahil lamang sa mga fake news na kaniya daw nababasa sa FB.

Bumagsak na rin sa kaalaman ng mga Filipino ang planong pagkontrol sa Social Media at Internet nila CEO Rappler Maria Ressa at Senador Bam Aquino. Bumagsak din sa kalaman ng mga Filipino ang LeniLeaks - na may kinalamang pabagsakin ang pamunuan ni Pangulong Duterte. Bumagsak din sa kaalaman ng mga Filipino ang financer ng mga Yellows na si Loida Nicolas Lewis - na isang Fil-Am na may networth na tinatayang 600 million US Dollars.

Bumagsak din sa kaalaman ng mga Filipino ang tunay na kulay ni Senadora De Lima - na pinaniniwalaan na drug-protector ng mga drug-lords, pati ang kaniyang sexual fantasies ay bumagsak din sa kaalaman ng milyong-milyong Filipino - ang kaniyang hilig sa 'Saba'. Ganuon din bumagsak sa kaalaman ng mga Filipino na si Senadora Trillanes pala ay tinaguriang 'Sundalong Kanin'. 

Dahil sa lakas ng hanging Digong, bumagsak sa kaalaman ng mga Filipino ang malaking kasinungalingan - sa panahon ng dating administrasyon ni NoyNoy - ang sambayanang Filipino ay pinaniwala na ang ekonomiya ng Pilipinas ay gumanda. Pero iyon ay malaking kasinungalingan dahil ang sinasabi niyang paglago ng ekonomiya ng bansa ay sa mga diyaryo, mga pahayagan at sa mga malalaking telebisyong networks ng bansa lamang bumabandila.

Ang pinakamasakit pa – ang administrasyon ni Noynoy noon ay naging inutil para sugpuin ang illegal drugs sa bansa na sumira ng milyong-milyong  buhay at pangarap ng mga Filipino. Na naging sanhi ng paglaganap ng iba’t ibang krimen sa bansa. At paglaganap ang iba’t ibang paraan ng pagnanakaw ng kaban ng bayan. Ang bawa't sangay ng kaniyang pamahalaan ay pinamugaran ng mga kurap at kawatan na tauhan.

Bumagsak din sa kaalaman ng mga Filipino na ang simbahang Katoliko sa pangunguna ng ibang mga obispo, mga pari at madre ay mas pabor pala sila sa drugs, crimes and corruption sa bansa.

Dahil sa bagyong Digong, unti-unting lumilinis ang ating kapaligiran. Unti-unting nababanaag ang pag-asang na isang araw tayo ay magigising na ang bansa natin ay magiging drug-free at ang sambayanang Filipino ay mamumuhay na matiwasay sa bawa't segundo, minuto, oras, araw ng kanilang buhay. 

About the Author

Paul is a Web content creator, online marketer, products and services promoter, online writer and a Filipino blogger. He has no specific areas where his writing will focus on.He writes any subject that interests him under the merciless sun. He loves Internetting and Face-booking. His favorite saying: "Dream big and don't stop without giving it a chance to come true."

2 comments:

  1. TRUE! Ang nagrereklamo, mga galit na galit tulad ng mga obispo at mga paring nais pabagsakin administrasyon ni mayor Du30, mga drug lords at protectors na nawalan ng milyon-milyong kita dahil sa drugs, mga mayayaman na nanghuhuthot ng pera na para sa mahihirap. Kaya ngayon ay mga kawawa sila at naghihirap na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Igan Robert - sa Facebook meron isang user na sa pakiwari ko ay nakahanay sa Yellow, sabi niya: Move on na. Hoax itong report. Sa isip ko - paano naging hoax ito? Sinulat ko ito base sa mga resulta nang magsimulang maglinis ang ating butihing Pangulong Duterte sa duming iniwan ng dating administrasyon ni NoyNoy. Ang komento niya ay hinayaan ko para maramdam niya at maunawaan niya na pinapahalagahan ko ang kaniyang opinyon kahit siya ay isang Dilawan.

      Ngayon ang grupo ng Simbahang Katoliko na pinamumunuan ng ilang obispo at mga pari iisa ang kanilang panawagan kay Pangulong Duterte - susuporta lang daw sila sa pangulo kung susunod siya sa Rule of Law - alam natin lahat na silang mga taga simbahang katoliko ay mas minahal nila ang karapatan ng mga kriminal kaysa ang mga karapatan ng mga naging biktima ng mga iba't ibang krimen...Again thank you for your time. God bless.

      Delete

SONA2021 of President Rodrigo Duterte (Courtesy of Inquirer. Net))

Visit us at https://www.inquirer.net Facebook: https://facebook.com/inquirerdotnet Twitter: https://twitter.com/inquirerdotnet

Bro. Eli Soriano: Nothing can be done to a dead person

Sons of the three remarkable singers

Bro Eli Soriano - Pride of Philippines

Subscribe, Like and Share KDR TV

Maps

Friendly Notes

For any reuse or distribution, I must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: President Duterte's Pen Warrior