name='viewport'/> President Duterte's Pen Warrior: Senate inquiry
loading...

Ikaw ang Pag-ibig - composed by Kuya Daniel Razon

Sarap dam'hin sa kalooban Ang bawa't leriko't melodiya Puso ko'y napaluha habang Sumasabay sa pag-awit...bro paul pruel
Showing posts with label Senate inquiry. Show all posts
Showing posts with label Senate inquiry. Show all posts

Tuesday, December 6, 2016

The Senate Inquiry Confirms Senator Trillanes 'Sundalong Kanin'

I thought it was just a joke when Senator Gordon accidentally called Senator Trillanes 'Sundalong Kanin' during the Senate investigation on ExtraJudicial Killings that took place during the months of September and October 2016.



Ngayon nangyari na naman at lalong napatunayan sa buong mundo na itong si Senadora Trillanes ay isa ngang #SundalongKanin. It was confirmed by Senator Ping Lacson nang bigyan niya ng paliwanag ang dalawang magkaibang retrato: Retrato ni Sen De Lima na kasama si Kerwin Espinosa at retrato ni Peter Lim na kasama si Pangulong Duterte na ayon kay Sen Trillanes ay puwede maging ebidensha kung tawagin niya ay 'Guilt by Picture Taking' na hindi sinang-ayunan ni Senator Ping Lacson.

Napansin ko na si Senator Trillanes ay mahilig manindigan sa kaniyang pinaniniwalaan kahit ito man ay taliwas sa tamang lohika ng pag-unawa, ipipilit niya kung ano ang idinidikta ng kaniyang isipan. Sa mga nabanggit na dalawang retrato, nakalimutan ni Sen Trillanes na bawat picture ay may kuwento sa likod nito. At kailan man ay hindi magkakapareho ang kuwento nilang dalawa.

Ayon sa paliwanag ni Senator Panfilo Ping Lacson, sinabi niya na - Ang retrato ni Kerwin na kasama si Sen Leila De Lima can help to establish a fact na there was money involved dahil na rin sa mga affidavit na sinumpaan nila Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan - na kapwa sumang-ayon na tama ang lugar, tama na may perang ibinigay kay Dayan si Kerwin para kay Senadora De Lima at tama na nagkita nga sila Kerwin at Senator De Lima sa nabanggit na lugar sa Baguio.

Patungkol naman sa retrato ni Peter Lim na kasama si Pangulong Duterte, ang paliwanag ni Sen Ping Lacson ay ito: Walang affidavit na sinumpaan si Peter Lim na nagbigay siya ng pera kay Sec Bong Co. At wala rin affidavit na sinumpaan na nagbigay si Sec Bong Co ng pera kay Pangulong Duterte na galing kay Peter Lim. Samakatuwid, the said picture of Peter Lim with President Duterte ay hindi magagamit bilang ebidensha to impeach the president.

Natawa ako na may kasamang awa kay Senator Trillanes - ang tagal na niya sa Senado. Marami na siyang na encounter na mga taong subject for questioning, subali't sa pagkakataong ito lumabas nga na siya ay dapat mag schooling pa para maiwasan ang #KaninPaMore at sikapin niyang mabura sa kaniyang pagkatao ang katawagang 'Sundalong Kanin!'




Monday, December 5, 2016

All of The Testimonies From The Witnesses are All Lies, Fabricated and Manufactured Said Senator Leila De Lima

May pangil ba ang gumawa at nagpapatupad ng mga batas natin? Gaano kagagaling ang ating mga Congressmen and women at mga Senadores sa pagiimbistiga sa kaso patungkol sa druga at pagkamal ng pera mula sa druga na isinasangkot ang senador na si Leila De Lima? Hindi na mabilang ang mga bidyong napapanood ng sambayanang Filipino sa internet patungkol sa kaso ni De Lima. Hindi na rin mabilang sa dami ng mga artikulong nalimbag sa mga nangungunang pahayagan ng bansa pati sa mga tabloids at mga blog sites. Araw-araw ang pangalan ni De Lima ay pinagpipistahan sa mga television at mga radio stations. Pero magpahanggang ngayon hindi parin napapatunayan na sangkot nga si Senadora Leila De Lima sa kasong ipinupukol sa kaniya.



Ilan milyong pera na ba na mula sa kaban ng bayan ang nauubos sa pagiimbistiga kay De Lima? Ang haba na ng panahon ang iniukol para patunayan na nagkasala si De Lima. Ang daming witnesses na ang sumalang para sagutin ang mga tanong at ang kanilang mga testimonya iisa ang kanilang tinutukoy si De Lima. Nguni't lahat ay hanggang sa pagtukoy lamang dahil magpahanggang ngayon si De Lima ay masayang nakikisalamuha sa iba't ibang grupo na kaniyang kaalyado. Ibig bang sabihin nito na sa kabila ng mga ebidensha na iniharap sa mga nagiimbistiga hindi pa rin sapat na basihan para si senadora De Lima ay matukoy na siya nga ay may sala?

The joined forces of the upper and the lower house of Philippine Congress have already proven their worths and yet still they could not prove Senator Leila De Lima is guilty. While the majority of the the Filipinos found De Lima guilty.

Ngayon si De Lima ay nakukuha pa ring humalakhak at maliitin ang ginagawang imbistigasyon dahil para sa kaniya ang lahat ng mga testimonya ng mga witnesses laban sa kaniya ay pawang kasinungalingan, fabricated and manufactured. Ang masaklap pa pinipilit niyang baliktarin ang kuwento at ipagsigawan sa buong mundo na si Pangulong Duterte raw ang tunay na drug-protector ng mga drug-lords. At sinasakyan naman ng mga biased media networks at mga bayarang journalists.

SONA2021 of President Rodrigo Duterte (Courtesy of Inquirer. Net))

Visit us at https://www.inquirer.net Facebook: https://facebook.com/inquirerdotnet Twitter: https://twitter.com/inquirerdotnet

Bro. Eli Soriano: Nothing can be done to a dead person

Sons of the three remarkable singers

Bro Eli Soriano - Pride of Philippines

Subscribe, Like and Share KDR TV

Maps

Friendly Notes

For any reuse or distribution, I must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: President Duterte's Pen Warrior