loading...
Find a sponsor for your web site. Get paid for your great content. shareasale.com.

Saturday, December 3, 2016

Senator Koko Pimentel Nakikitaan ng Pangalawang Mukha: Hudyat Ba Ito ng Pagbalimbing?


Naaalala ko pa noong kasagsagan ng pangungumpanya si Senator Koko Pimentel ang isa sa mga taong sumoporta sa kandidatura ni Mayor Rodrigo Roa Duterte sa pagka-presidente. At sa awa ng Maylalang hindi siya nagkamali dahil si Duterte ang tinanghal na bagong halal na Pangulo ng bansang Pilipinas. Kasabay na nagbunyi ang mahigit na 16 milyong Filipinong botante na nagtiwala sa kakayahan ng ating butihing Pangulong Duterte.

Photo Credits: Wikipedia/Wikimedia Commons
Subali't pagkalipas ng ilang buwan ang pagkakilala ko at paghanga kay Senator Koko Pimentel ay nabahiran ng mga agam-agam. Dahil seguro ng mga nakikita kong iba't ibang pangitain na nakakapagduda. Nasabi ko tuloy sa aking sarili, ginamit lang seguro ni Pimentel ang kasikatan ni Duterte bago mag eleksyon noong Mayo 9, 2016 - para sa kaniyang ambisyong manalo sa pagka-senador. Kung dati silver ang tingin ko sa kaniya, ngayon nakikita ko siya na unti-unting kumikinang ang pagka-tanso na unti-unting binabalutan ng kalawang.

Hindi ko na iisa-isahin ang mga ipinapakita niyang pagbabago (todo depensa kay De Lima) sa puso ko at isipan ay iisa ang tinutombok nito - unti-unti siyang pumapanig sa YellowTeam na ang hangad ay pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon. Unti-unting lumalabas ang tunay niyang kulay at sungay. Nakikitaan na siya ng pangalawang mukha na sa pakiwari ko ay hudyat ng PAGBALIMBING.

No comments:

Post a Comment

Friendly Notes

For any reuse or distribution, I must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: President Duterte's Pen Warrior

Popular Posts

Favorite Quotes of All Time