Ngayon nangyari na naman at lalong napatunayan sa buong mundo na itong si Senadora Trillanes ay isa ngang #SundalongKanin. It was confirmed by Senator Ping Lacson nang bigyan niya ng paliwanag ang dalawang magkaibang retrato: Retrato ni Sen De Lima na kasama si Kerwin Espinosa at retrato ni Peter Lim na kasama si Pangulong Duterte na ayon kay Sen Trillanes ay puwede maging ebidensha kung tawagin niya ay 'Guilt by Picture Taking' na hindi sinang-ayunan ni Senator Ping Lacson.
Napansin ko na si Senator Trillanes ay mahilig manindigan sa kaniyang pinaniniwalaan kahit ito man ay taliwas sa tamang lohika ng pag-unawa, ipipilit niya kung ano ang idinidikta ng kaniyang isipan. Sa mga nabanggit na dalawang retrato, nakalimutan ni Sen Trillanes na bawat picture ay may kuwento sa likod nito. At kailan man ay hindi magkakapareho ang kuwento nilang dalawa.
Ayon sa paliwanag ni Senator Panfilo Ping Lacson, sinabi niya na - Ang retrato ni Kerwin na kasama si Sen Leila De Lima can help to establish a fact na there was money involved dahil na rin sa mga affidavit na sinumpaan nila Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan - na kapwa sumang-ayon na tama ang lugar, tama na may perang ibinigay kay Dayan si Kerwin para kay Senadora De Lima at tama na nagkita nga sila Kerwin at Senator De Lima sa nabanggit na lugar sa Baguio.
Patungkol naman sa retrato ni Peter Lim na kasama si Pangulong Duterte, ang paliwanag ni Sen Ping Lacson ay ito: Walang affidavit na sinumpaan si Peter Lim na nagbigay siya ng pera kay Sec Bong Co. At wala rin affidavit na sinumpaan na nagbigay si Sec Bong Co ng pera kay Pangulong Duterte na galing kay Peter Lim. Samakatuwid, the said picture of Peter Lim with President Duterte ay hindi magagamit bilang ebidensha to impeach the president.
Natawa ako na may kasamang awa kay Senator Trillanes - ang tagal na niya sa Senado. Marami na siyang na encounter na mga taong subject for questioning, subali't sa pagkakataong ito lumabas nga na siya ay dapat mag schooling pa para maiwasan ang #KaninPaMore at sikapin niyang mabura sa kaniyang pagkatao ang katawagang 'Sundalong Kanin!'
No comments:
Post a Comment