Friday, January 6, 2016 approximately at around 7:30 PM, lumapag ang helicopter na lulan si Pangulong Duterte at si General Bato sa Bgy. Capipisa, Tanza, Cavite malapit sa bahay kung saan nakaburol ang labi ni PO1 Enrico Domingo. Ang pangulo at kaniyang mga kasamahan ay buong pusong nakiisa at nakiramay sa kalungkutan ng naulilang pamilya ni Enrico.
Pangulong Duterte at the Wake of PO1 Enrico Domingo 1/6/2017
Ayon sa recorded history ng Bgy. Capipisa, Tanza, Cavite, ang pagbisita ni Pangulong Duterte ay kaunaunahang pagkakataon na ang isang presidente ng Pilipinas ay nagbigay ng kaniyang mahalagang oras at panahon upang iparating ang kaniyang personal na pakikiisa sa kalungkutan ng nangungulilang pamilya at iparating na rin ang mensahe ng kaniyang pagmamahal, pagpahalaga at pagkilala ng katapatan, katapangan ng isang pulis sa panahon habang kaniyang ginagawa ang trabaho. At ito ay ginagawa rin ng Pangulong Duterte sa lahat ng kaniyang mga kapulisan at mga kasundaluhan na nasawing-palad sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Ang pagkasawi ni PO1 Enrico Domingo ay nangyari noong January 5, 2016 sa siyudad ng Pasay. Ayon sa news reports ng 24 Oras GMA7 - nabaril siya sa mukha at dibdib sa isang buy-bust opeartion. Ang bumaril sa kaniya ay nakilalang is Randy Caniente Lizardo na ngayon ay kasalukuyang nagtatago kasama ang kaniyang asawa at dalawa pang kasamahan. Kung isa man sa inyo ay nakakakilala kay Mr. Lizardo, mangyari lamang iparating sa pulisya o sa inyong baranggay.
Wanted: Randy C. Lizardo - Photo Credits 24 Oras GMA |
Ang mga taga Bgy. Capipisa, Tanza, Cavite, ay buong pusong nagpapasalamat kay Pangulong Duterte - ang kaniyang presensha ay nagbigay kalakasan sa naiwang pamilya ni Enrico at mga kabaranggay. Natutop naming lahat na hindi lamang siya ay pangulo kungdi isa rin siyang mapagmahal na ama ng mga Fatherless Filipinos.
About The Author
Paul is a Web content creator, online marketer, products and services promoter, online writer and a Filipino blogger. He has no specific areas where his writing will focus on. He writes any subject that interests him under the merciless sun. He loves Internetting and Face-booking. His favorite saying: "Dream big and don't stop without giving it a chance to come true."
About The Author
Paul is a Web content creator, online marketer, products and services promoter, online writer and a Filipino blogger. He has no specific areas where his writing will focus on. He writes any subject that interests him under the merciless sun. He loves Internetting and Face-booking. His favorite saying: "Dream big and don't stop without giving it a chance to come true."
No comments:
Post a Comment