name='viewport'/> President Duterte's Pen Warrior: Kabayan Kung si Sen De Lima ay Aawit ng Mga Kataga ng Pagsisisi - Siya Po Ba'y Iyong Mapapatawad?
loading...

Ikaw ang Pag-ibig - composed by Kuya Daniel Razon

Sarap dam'hin sa kalooban Ang bawa't leriko't melodiya Puso ko'y napaluha habang Sumasabay sa pag-awit...bro paul pruel

Wednesday, March 15, 2017

Kabayan Kung si Sen De Lima ay Aawit ng Mga Kataga ng Pagsisisi - Siya Po Ba'y Iyong Mapapatawad?

Pagmamahalan Na Humantong Sa Kulungan - Ronie & Leila- Photo Credits: PNP/FB/Senate
Hindi na po ako magpapaligoyligoy pa. Ganito naglaro ang aking isip...Sa gitna ng mapanglaw na sulok ng kuwartong kinaroroonan ni Senadora Leila de Lima - namalas ko na ang lalim ng kaniyang iniisip. Ang kaniyang mga mata ay namamaga na sa pagluha habang nakapako sila sa nakabukas na bintana - at narinig ko na kaniyang kinakausap ang kaniyang sarili at sa bawat kataga na kaniyang sinasambit ay napakalinaw sa aking pandinig - sa ibaba po ang kaniyang awit.

Kung dati ako’y isang Reynang nakaupo
Sa trono ng kasikatan at kapangyarihan
Lahat ng aking ibigin ay nangyayari
Ngayon ako’y isang basahan na pinandidirihan...

Akala ko wala nang katapusan
Ang nakamit kong kaligayahan
Mula nang ako’y sumisikat pa lamang
Na abogado, huwis at naging senadora...

Ang kasikatan ko’y hindi maipagkakaila
Maraming tao ang humanga sa akin
Pinangarap nila na ako’y mahagkan at mayakap
Ako’y kanilang inidolo at minahal ng labis...

Nguni’t biglang nagbago ang ihip ng hangin
Iniwan ako ng aking mga kakilala’t kaibigan
Ako’y kanilang ipinagkanulo’t pinaratangan
Kasabay ang galit ng mamamayan at lipunan...

Ako raw ay protektor ng taong hanapbuhay ay druga
Ako raw ay umaabuso ng kapangyarihan na taglay ko
Kaya ako’y nahatulan at namimighati sa loob ng kulungan
Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan...

Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan
Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan
At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan
Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran...

Ang kanilang mga hinaing at paghihirap
Ang kanilang mga luhang nalalaglag
Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak
Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas...

Aaminin ko mahirap ang magkunwari
Ang bawat himaymay ng aking laman
Ay sumisigaw din ng matinding hirap
Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit...

At ang mga karapatan ko bilang mamamayan
Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan
Ang pagiging ilkaw ko ng tahana’y naparam
Kasama ang karapatan kong maghanap ng ikabubuhay...

Masakit pala kapag napikon ang langit
Nguni’t ‘di ko magawang magalit sa Maylalang
Batid kong Siya ang higit na nakaaalam
Sa buhay ko na minsa'y Kaniyang kinalugdan!



Paul is a Web content creator, online marketer, products and services promoter, online writer and a Filipino blogger. He has no specific areas where his writing will focus on. He writes any subject that interests him under the merciless sun. He loves Internetting and Face-booking. His favorite saying: "Dream big and don't stop without giving it a chance to come true."

No comments:

Post a Comment

SONA2021 of President Rodrigo Duterte (Courtesy of Inquirer. Net))

Visit us at https://www.inquirer.net Facebook: https://facebook.com/inquirerdotnet Twitter: https://twitter.com/inquirerdotnet

Bro. Eli Soriano: Nothing can be done to a dead person

Sons of the three remarkable singers

Bro Eli Soriano - Pride of Philippines

Subscribe, Like and Share KDR TV

Maps

Friendly Notes

For any reuse or distribution, I must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: President Duterte's Pen Warrior