name='viewport'/> President Duterte's Pen Warrior: All of The Testimonies From The Witnesses are All Lies, Fabricated and Manufactured Said Senator Leila De Lima
loading...

Ikaw ang Pag-ibig - composed by Kuya Daniel Razon

Sarap dam'hin sa kalooban Ang bawa't leriko't melodiya Puso ko'y napaluha habang Sumasabay sa pag-awit...bro paul pruel

Monday, December 5, 2016

All of The Testimonies From The Witnesses are All Lies, Fabricated and Manufactured Said Senator Leila De Lima

May pangil ba ang gumawa at nagpapatupad ng mga batas natin? Gaano kagagaling ang ating mga Congressmen and women at mga Senadores sa pagiimbistiga sa kaso patungkol sa druga at pagkamal ng pera mula sa druga na isinasangkot ang senador na si Leila De Lima? Hindi na mabilang ang mga bidyong napapanood ng sambayanang Filipino sa internet patungkol sa kaso ni De Lima. Hindi na rin mabilang sa dami ng mga artikulong nalimbag sa mga nangungunang pahayagan ng bansa pati sa mga tabloids at mga blog sites. Araw-araw ang pangalan ni De Lima ay pinagpipistahan sa mga television at mga radio stations. Pero magpahanggang ngayon hindi parin napapatunayan na sangkot nga si Senadora Leila De Lima sa kasong ipinupukol sa kaniya.



Ilan milyong pera na ba na mula sa kaban ng bayan ang nauubos sa pagiimbistiga kay De Lima? Ang haba na ng panahon ang iniukol para patunayan na nagkasala si De Lima. Ang daming witnesses na ang sumalang para sagutin ang mga tanong at ang kanilang mga testimonya iisa ang kanilang tinutukoy si De Lima. Nguni't lahat ay hanggang sa pagtukoy lamang dahil magpahanggang ngayon si De Lima ay masayang nakikisalamuha sa iba't ibang grupo na kaniyang kaalyado. Ibig bang sabihin nito na sa kabila ng mga ebidensha na iniharap sa mga nagiimbistiga hindi pa rin sapat na basihan para si senadora De Lima ay matukoy na siya nga ay may sala?

The joined forces of the upper and the lower house of Philippine Congress have already proven their worths and yet still they could not prove Senator Leila De Lima is guilty. While the majority of the the Filipinos found De Lima guilty.

Ngayon si De Lima ay nakukuha pa ring humalakhak at maliitin ang ginagawang imbistigasyon dahil para sa kaniya ang lahat ng mga testimonya ng mga witnesses laban sa kaniya ay pawang kasinungalingan, fabricated and manufactured. Ang masaklap pa pinipilit niyang baliktarin ang kuwento at ipagsigawan sa buong mundo na si Pangulong Duterte raw ang tunay na drug-protector ng mga drug-lords. At sinasakyan naman ng mga biased media networks at mga bayarang journalists.

2 comments:

  1. Sa dami ng evidensya at dami ng kumanta against delima bkit till now dpa rin sya nahuhuli? bkit ang tagal? ang gagaling ng mga witness mga senador bkit dpa tapos,lht ng news online at tv,radio pti newspaper sya ang laman na sangkot sya sa illegal drugs bmit magpa hanggang ngyon wla paring nakukulong? bakit?

    ReplyDelete
    Replies
    1. yon din ang mga tanong ng nakakaraming Pinoy ngayon sa mundo. lumalabas na lalong pinasisikat si Sen De Lima dahil nga dito sa mga ginagawang imbistigasyon. di pa rin naman akong nawawalan ng pag-asa na isang araw itong senador ay masusukol din. salamat Dell sa pagbisita at pagkomento. see around again. God bless.

      Delete

SONA2021 of President Rodrigo Duterte (Courtesy of Inquirer. Net))

Visit us at https://www.inquirer.net Facebook: https://facebook.com/inquirerdotnet Twitter: https://twitter.com/inquirerdotnet

Bro. Eli Soriano: Nothing can be done to a dead person

Sons of the three remarkable singers

Bro Eli Soriano - Pride of Philippines

Subscribe, Like and Share KDR TV

Maps

Friendly Notes

For any reuse or distribution, I must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: President Duterte's Pen Warrior