Rep Alvarado on Meralco issue |
Thru: House Speaker Alan Peter Cayetano
Ayun po sa Meralco meron higit 6 milyong electric consumers ang Meralco. 92% ay residential consumers at 8% ay commercial and industrial consumers.
Kung ang Meralco ay meron 6 milyong consumers @100 php (estimated amount) na babayaran as monthly government taxes - ang Meralco ay nakaka-kolekta ng 600,000,000.00 or 6 hundred million per month X 12 months = 7,200,000,000.00 or 7 billion 200 million php per year. Pero ang ibang consumers ay nagbabayad ng kanilang monthly government taxes between 100 to 1000 or higher lalo na sa mga commercial and industrial consumers.
Ibig bang sabihin nito ang Meralco ay hindi nagbabayad ng kanilang yearly taxes mula sa kanilang bulsa? Bagkus ang kanilang ibinabayad ng kanilang yearly taxes ay mula sa mga consumers na kinolekta nila sa mga consumers na kasama sa Meralco monthly bills.
Tingnan po natin ang ating mga Meralco bills - bawat buwan ng ating Meralco bills, makikita doon na nagbabayad tayo ng government taxes. Bakit? Hindi tayo ang may negosyo. Tayo ang bumibili ng produkto ng Meralco - pero shoulder natin ang monthly government taxes nila na dapat sana ang Meralco ang magbabayad dahil negosyo nila ito.
Sana po may paliwanag dito ang Meralco kung bakit pati ang government taxes na ibabayad nila sa gobyerno na dapat magmula yun sa kanilang bulsa ay kinokolekta nila sa kanilang mga consumers.
Salamat po,
Paul Odien Pruel
Concerned Filipino
Concerned Filipino
Sources of idea and other info:
YouTube Link: https://youtu.be/t74MDX66WGA
YouTube Link: https://youtu.be/HWKAiAM5Hqw
No comments:
Post a Comment