Tulagalag 100 - Mobile, Poetry Project 2010 |
Alaala ko pa sa unang 100 days ng panunungkulan ni Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansang ito, naramdaman ko na - na ako ay hindi sang-ayon sa pamumuno nya noon. Nakita ko kasi na mas nag focused siya at ang kanyang administrasyon sa paghahabol sa mga taong kumalaban sa kanya hanggang sa maipakulong niya ang dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Kaya bago dumating ang ika-100 days sa kanyang pamumuno - nasulat ko ang tulang ito na ang pamagat "Pangulong Noynoy - Meron Na Bang Napatunayan?" Napasama ito sa 100 na tula sa ilalim ng "Mobile, Poetry Project - Tulagalag:100" at naglagalag sa kahabaan ng EDSA, Mediola, UP Campus at Luneta kasama ng mga protesters laban sa administrasyon ni Noynoy noon - (na ngayon ay nagsisisigaw pa rin laban naman kay Pangulong Duterte).
Idinikit sila sa mga pader ng schools, poste ng Meralco at ikinalat sa mga lansangan (na pinagdadausan parin ng iba't ibang rally at protesta ng mga bayarang raliyista) mismo sa araw ng ika-100 days sa panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino noon.
Ang grupo ng Tulagalag-100 ay binuo sa Facebook ng mga Pinoy FB users in 2010 - ang mga sumali ay mga estudyante na nasa Pilipinas, ang iba naman ay mga OFWs - Middle East or sa Gulf countries, US, Europe, Canada, Australia, UK, kasama Japan. Hongkong at Taiwan - mga Filipinong hindi nasiyahan sa panunungkulan noon ni Pangulong Aquino.
Based from my personal experience.
No comments:
Post a Comment