Lalong naging malinaw na po sa akin ang lahat. Sa siyam na Senador na naghain ng concurrent resolution kasama si (1) Manny Pacquiao, (2) Miguel Zubiri na inakala ko na kaisa kay Pangulong Duterte para labanan ang Oligaryo ng bansang ito. Sila (3) Ralp Recto, (4) Lito Lapid, (5) Sherwin Gatchalian, (6) Joel Villanueva, (7) Nancy Binay, (8) Sonny Angara at (9) Grace Poe.
Hindi ko po kinukuwestion ang Senado, ang inihain na concurrent resolution ng siyam na Senador ay parte yun ng kanilang trabaho. Ang hindi ko tiyak kung yun ba sang-ayon sa ating Saligang Batas. Alam ko ang Congress ay hati sa dalawang grupo ng mga mambabatas: Ang Mababang Kapulungan at Senado. Alam ko rin pagdating sa usapin ng pagbibigay ng prangkisa ay dapat sa Lower House muna magsimula.
Ngayon, lumalabas na nagmamadali ng husto ang Senado, una nagkaroon sila ng hearing na may koneksyon sa prangkisa ng ABS-CBN, with their guests ay mostly from ABS-CBN. And again sa March 2, 2020 naghain ang siyam na Senador ng kanilang concurrent resolution na pabor to extend ABS-CBN operation. Naungusan na naman ang Lower House of Representative.
Seguro naman matatandaan natin lahat ang siyam na senador na ito na lumalabas na silang siyam ay maka-Oligaryo. Ayun sa rason ng kanilang concurrent resolution: Ang pagsara ng ABS-CBN ay magreresulta ng kawalan ng trabaho ng 11,000 manggagawa ng network. At kanila din hiniling sa NTC na mag-isyu ng provisional authority sa ABS-CBN.
Para sa kabuuwang detalye basahin sa ibaba ang kabuuwang reports ng TNT Abante
------------------------------------------------------------------
Siyam na senador ang naghain nitong Lunes, Marso 2 ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.
Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, at Sens. Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Nancy Binay, Sonny Angara, Grace Poe, at Manny Pacquiao.
Sa nasabing resolusyon, hiniling din sa National Telecommunications Commission (NTC) na mag-isyu ng provisional authority sa ABS-CBN Corporation habang dinidinig pa sa Kongreso ang kanilang prangkisa.
Sa paghahain ng resolusyon, ipinunto ng mga senador na ang pagsasara ng ABS-CBN ay magreresulta sa kawalan ng trabaho ng halos 11,000 manggagawa ng network.
“The removal of a market leader such as ABS-CBN would significantly impact not only on competition within the broadcasting industry, but also on the economy as a whole,” ayon sa resolusyon.
“In fact, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia was quoted as saying that the non-renewal of the franchise of ABS-CBN may affect investor confidence and get in the way of promoting diversity in the economy and fostering competition,” dagdag pa doon.
Kailangan din umanong magkaroon ng ‘intervention’ ang gobyerno para matiyak na makakapagpatuloy ang operasyon ng network habang nakabinbin ang deliberasyon sa franchise renewal nito sa Kongreso.