|
President Duterte/ Dilawan EDSA Rally Feb 22, 2020 |
Anumang rally at protesta ang gawin ng kalaban ng pangulo at ng kanyang administrasyon (tulad ng People Power Rally ng Dilawan sa EDSA on Feb 22, 2020 nasa picture) - magsamasama man ang lahat na puwersa tulad ng mga bayarang media at prestitutes sa Pilipinas, Dilawan/LP, mga Oligaryo at iba pang grupo para patalsikin ang pangulo sa kanyang kinaroroonan ngayon - ay mahihirapan silang mag-tagumpay. At kailan man ay hindi magtatagumpay dahil nakikita at nararamdaman ng mga Filipino ang totoong serbisyo at malasakit ni Pangulong Duterte.
Maliban kasi sa maraming mga magagandang ginawa na at ginagawa parin ng kanyang administrasyon - lalo na sa kanyang Build, Build, Build program na pinakikinabangan ng lahat ng mga mamamayang Filipino ngayon kasama ang iba pang programa ng gobyerno para sa kaayusan ng bansang ito at ng mamamayan - kanyang ipinadama sa mga Filipino na may isang ama na handang isakripisyo ang kanyang dignidad at buhay para sa kanyang kinasasakupan.
Kaya naman lalo siyang minamahal at pinagkakatiwalaan ng nakakaraming Filipino at handa siyang ipaglaban sa mga mapanirang kalaban dahil -
1. Siya lang nman ang kauna-unahang nagpasa ng Women Development Code (City Ordinance 5004) sa buong Pilipinas.
2. Nagmumura man siya pero kasama ng kanyang plataporma ang ibalik ang GMRC at Values Education sa curriculum ng mga eskuwelahan.
3. Pinarurusahan niya ang mga kriminal at kanyang pinangungunahan ang pagpaparehab sa mga kabataang lulong sa droga at binibigyan pa niya ito ng P2,000 monthly allowance.
4. Mula sa dating lansenggo at chain-smoker nagbago siya at ngayon mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa siyudad at may liquor ban pa ng hanggang 1am lang.
5. Hindi maganda ang tabas ng kanyang dila pero nagpatupad ng Anti-Discrimination Ordinance. Bawal i-discriminate ang Muslim, Kristiyano, Lumad, bakla, lesbian, transsexual, may kapansanan, ordinaryong mamamayan at kahit sino man.
6. Nakilalang bilang barumbado, mahilig sa baril pero nagpatupad ng fire-cracker ban tuwing Pasko at New Year. At ang Davao lang ang zero casualty sa paputok kada taon.
7. Ayun sa kalaban siya raw ay Protektor ng NPA at MILF pero ang daming mga sundalo at pulis ang kanyang na rescue sa mga rebeldeng grupo. Mas marami pa siyang nagawa kaysa sa nagdaang mga palpak na Administrasyon.
8. Kaskasero daw siya noong kanyang kabataan, nagpapatakbo ng 180 kph sa motor. Pero nagpatupad ng speed limit sa Davao para sa kaligtasan ng mamamayan.
8. Diktador daw at masama ang kanyang ugali pero siya ang unang-unang rumesponde sa Tacloban na sinalanta ng bagyong Yolanda.
9. Mayabang daw siya ayun sa kalaban pero ni isa sa kanyang proyekto ay wala ang kanyang mukha at pangalan.
10. Asal kanto daw siya, ugaling kalye pero world class ang serbisyo. At itaga ninyo sa inyong puso at isipan, lahat ng tao nakikinabang sa kanyang serbisyo, hindi lang ang mayayaman.
---------------------------
In addition to them - in Davao meron:
Davao Central 911 (The only 911 in Asia. The equipments are all US- made. All services are free.) Meron din - California Traffic Light System (Most modern in the Philippines.
Sensorized, centralized to Traffic Center and Central 911)
- High-tech CCTVs, which is the most modern in the Philippines. Meron - Public Safety Command Center powered by IBM (US technology giant company) making Davao the only Smart City in the Philippines.
The fastest that can respond to crime and disaster. - State of the art facilities of a government hospital. The most modern hospital equipments in Davao are not in private hospitals but in a government hospital - the Southern Philippines Medical Center (formerly Davao Medical Center). At sagot niya ang gastusin ng mga batang may cancer sa Davao at kahit hindi taga Davao.
Kaya para sa inyong hindi siya kilala at bulag sa katotohanan, ang buong Davawenyo at lahat na sumusuporta sa kanya saan man sulok ng mundo iisa ang sinasabi: Ang Tatay Digong namin ay matapang at tagapagtanggol naming lahat.
President Duterte is actually making a sacrifice to us. Let him be the sinner, let him do the dirty work. Because he said, he must do the things that he must do as ugly as it can be because nobody in the government will do it for the people.
In the end, only God can judge him on the things that he's done. President Duterte said, "I don't care if I go to hell as long as the people I serve will live in paradise."