name='viewport'/> President Duterte's Pen Warrior: ABS-CBN Franchise issue
loading...

Ikaw ang Pag-ibig - composed by Kuya Daniel Razon

Sarap dam'hin sa kalooban Ang bawa't leriko't melodiya Puso ko'y napaluha habang Sumasabay sa pag-awit...bro paul pruel
Showing posts with label ABS-CBN Franchise issue. Show all posts
Showing posts with label ABS-CBN Franchise issue. Show all posts

Thursday, February 20, 2020

Dapat ba munang hintayin ng Kongreso ang kapasyahan ng SC sa Quo Warranto petition ni Solgen Calida bago nila talakayin ang prangkisa sa nasabing network?

Former Sen Enrile on Quo Warranto petition laban sa ABS-CBN
Tanong: Dapat ba munang hintayin ng Kongreso ang kapasyahan ng SC sa Quo Warranto petition ni Solgen Calida bago nila talakayin ang prangkisa sa nasabing network? Ayun kay dating Sen Enrile: "Balewala ang prangkisa na ipagkakaloob ng Kongreso sa ABS-CBN kapag sinabi ng Korte hindi qualified ang network dahil sa violation."

Mula sa isang mahusay at hindi pipitsuging abogado at dating senador si Juan Ponce Enrile - ay nagpahayag ng kanyang saloobin patungkol sa hinaharap na problema ng ABS-CBN na kaugnay sa Quo Warranto na inihain ni Solgen Calida sa Supreme Court laban sa nasabing networks. 

Former Sen Enrile on Quo Warranto petition laban sa ABS-CBN
Ayun sa kanya, "May ginawa silang sistema para makakuha ng kapital na banyaga (tinutukoy nya ay ang ABS-CBN). Yung tinatawag nilang Philippine Deposit Reciepts. Hindi pautang kung 'di investment nung kumpanya (foreigner). May participation sila. Eh hindi puwede yun."

Former Sen Enrile on Quo Warranto petition laban sa ABS-CBN
At sinabi rin niya na ang "Quo Warranto proceeding ang dapat ang gamitin nila. Yun ay proseso sa rules of court natin. Yung ginagamit na reglamento sa pagsusuri to challenge the qualification to do that business."

Former Sen Enrile on Quo Warranto petition laban sa ABS-CBN
At tuwirang sinabi niya na "Kahit na magbigay ng prangkisa ang Kongreso, kapag sinabi ng korte na hindi qualified ang ABS-CBN dahil sa violation, may foreign ownership, eh balewala yung prangkisa."

Malulungkot kaba, Igan kung magsara ang ABS-CBN? Naging bahagi na ba sa araw-araw mong buhay ang nasabing network? Ano ang mga programa sa ABS-CBN na gustong-gusto mo? 

Source of idea and other info: QUO WARRANTO VS ABS-CBN, NARARAPAT LANG - DATING SEN. ENRILE

Sunday, February 16, 2020

Robin Padilla: Magpagamit muna kayo sa mga mahihirap, sa mga taong nagdala sa inyo sa kasikatan bago sa mga mayayaman

Robin Padilla - photo credit Philippine Star
Ang tatlong ito: Si Robin Padilla, Dingdong Dantes at Coco Martin - ay mga de-kalidad at kilalang mga magagaling na actors sa Entertainment Industry. Marami silang pinasaya, pinaiyak at pinakaba sa bawat pelikula o mga drama sa tele-vision na kanilang pino-portray. Milyong Filipino ang naging die-hard fans at nagmahal sa kanila. At maraming mga kabataan ang nag-ambisyon na matulad sila sa kanila sa husay at galing. 

These three superstars in Philippines entertainment industry often portray about nationalism and love of country. Sa kanilang mga movies - makikita natin na sila ay taga-pagtanggol sa mga inaapi laban sa mga taong mapang-api sa kanilang kapwa. Makikita sa kanilang mga pelikula kung papaano ipaglaban ang karapatan ng isang tao laban sa mapang-aping lipunan o grupo ng lipunan.

Dingdong Dantes - photo credit: PUSH
Sa totoong buhay kaya lalo sa panahon ngayon na ang namumuno ay pinaiiral ang pangil ng batas laban sa mga taong mapanlinlang, manloloko, o mga mandarambong - kaisa kaya ang tatlong artistang ito na sila - Robin Padilla, Dingdong Dantes at Coco Martin sa magandang adhikain ng adminstrasyon?

Tunghayan nga natin ang kanilang mga saloobin sa kaso ng ABS-CBN - ang isa sa mga networks sa Pilipinas na naging kabahagi sa pagpanday ng kanilang mga talento. Nang e-file ni Solgen Calida sa Supreme Court ang Quo Warranto petisyon laban sa ABS-CBN - silang tatlo ay naglabas ng kani-kanilang saloobin.

Coco Martin - photo credit: ManilaDailyNewsWeb
Ayun kay Robin Padilla: "I am not against ABS-CBN franchise but we have to be real, this is the only chance na kayo ang maging daan para mabago ang takbo ng working state nating lahat sa  entertainment industry. Magpagamit muna kayo sa mga mahihirap, sa mga taong nagdala sa inyo sa kasikatan bago sa mga mayayaman."

Ayun kay Dingdong Dantes: "Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this network." 

Ito naman ang mensahe ni Coco Martin: Malaki ang kanyang utang naloob sa TV network at sana’y maliwanagan daw ang mga taong nagnanais na ipasara ang istasyon na tumutulong ng malaki sa maraming buhay.

Note: All photos used in this write-up are available at FB shared to me by my FB groups-friends.

SONA2021 of President Rodrigo Duterte (Courtesy of Inquirer. Net))

Visit us at https://www.inquirer.net Facebook: https://facebook.com/inquirerdotnet Twitter: https://twitter.com/inquirerdotnet

Bro. Eli Soriano: Nothing can be done to a dead person

Sons of the three remarkable singers

Bro Eli Soriano - Pride of Philippines

Subscribe, Like and Share KDR TV

Maps

Friendly Notes

For any reuse or distribution, I must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: President Duterte's Pen Warrior